MANILA, Philippines — Umaabot sa 207 drug personalities ang napaslang habang 19,086 naman ang nasakote sa mahigit apat na buwan sa ikatlong yugto ng giyera kontra droga ng Philippine National Police. Ito ang iniulat kahapon sa bayan ni outgoing PNP Chief P/ Director General Ronald “Bato” dela Rosa na bahagi ng kaniyang accomplishment sa anti-drug campaign na malapit sa kaniyang puso.
Ang data ay naitala hanggang Abril 13 ng taong ito. Ayon kay dela Rosa nasa 19,086 ang mga drug puahers at users ang nasakote sa 12,032 magkakahiwalay na anti-drug operations sa bansa.