MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni outgoing Philippine National Police Chief P/ Director General Ronald “Bato” dela Rosa na kung mayroon man siyang pamana na maiiwan bago siya umalis sa kanyang puwesto ay ang pagbabalik ng tiwala ng publiko sa kanilang organisasyon.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni dela Rosa na naniniwala siyang napalapit niya ang mga pulis sa ordinaryong tao.
Aniya, nawala na ang “gap” ng mga otoridad sa publiko dahil nawawala na ang kanilang pag-aalinlangan na magpasaklolo.
Patunay dito ay ang kaliwa’t kanang pagpapa-selfie sa kanya ng mga tao.
Ipinaliwanag pa ng heneral na kung sa kanya ay panatag ang loob ng mga tao ay mas higit na nakakalapit na rin ang mga ito sa mabababang ranggo o mga bagitong pulis na may ranggong mga PO1’s.