MANILA, Philippines — Sa kaniyang unang pagharap sa flag ceremony bilang kalihim ng Department of Justice, inamin ni Menardo Guevarra na hindi maganda ang tingin ng publiko sa kanilang opisina.
Sinabi ni Guevarra na kaniyang tatrabahuhin ang pagbabalik ng “dignified and respectable image” ng DOJ.
“Now I hate to say that our department, as well as most agencies attached to it, is suffering from a huge image problem. The imposing building remains the same but it’s somehow corroded inside. It looks solid, but its structural integrity is suspect, both literally and metaphorically,” wika ng bagong kalihim.
BASAHIN: Digong sa bagong DOJ secretary: Gawin kung ano ang tama
Pinalitan ni Guevarra ang nagbitiw na si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nasangkot sa magkakaibang kontrobersya kabilang ang pagkakabasura ng drug case laban sa pinaniniwalaang malalaking drug lord ng bansa.
Pagkatanggap ng resignation ni Aguirre ay kaagad nanumpa si Guevarra kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“It is my personal mission to restore the DOJ's dignified and respectable image. Can I do it? I cannot do it alone. I need you, all of you, to start an inner revolution of our values," dagdag ni Guevarra na dating abogado ni Duterte noong alkalde pa lamang ito.
BASAHIN: Bagong DOJ chief rerepasuhin ang kaso vs Kerwin, Napoles
Sa kasalukuyan ay interim pa ang pwesto ni Guevarra habang hindi pa nakukumpirma ng Kongreso na naka-recess hanggang sa Mayo.
Inamin naman ni Guevarra na dati na siyang inalok ni Duterte sa kasalukuyan niyang pwesto ngunit tinanggihan niya ito.
Hindi rin itinago ng kalihim na partner niya sa law firm si Executive Secretary Salvador Medialdea sa loob ng 30 taon.