^

Bansa

Gun ban, filing of candidacy sa Bgy., SK elections umpisa na

Joy Cantos, Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Gun ban, filing of candidacy sa Bgy., SK elections umpisa na
Isa-isang tinitingnan ng mga botante ang voter’s lists ng Comelec para hanapin kung saang polling precint sila nabibilang kaugnay sa nalalapit na barangay at SK elections.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Simula ngayon ay babawal na ang pagbibitbit ng mga armas kasabay ng pagsisimula ng election period para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa May 14. 

Sa ilalim ng Comelec Resolution 10246, ang gun ban ay epektibong ipatutupad ngayong Sabado mula alas-12:01 ng madaling araw at tatagal hanggang May 21, 2018 o sa kabuuan ng election period. 

Bawal din sa nabanggit na panahon ang paggamit ng security personnel o bodyguard ng mga kandidato at ang paglilipat ng mga opisyal at empleyado na nasa civil service kabilang na ang mga public school teachers. 

Hindi rin papayagan sa panahon ng election period ang pagsuspindi sa alinmang halal na opisyal sa lalawigan, lungsod, munisipalidad o barangay. 

Magmula rin bukas hanggang May 14 na petsa ng eleksyon, bawal ang pamimili at pagbebenta ng boto, pagkalap ng pondo sa pamamagitan ng loterya o sabong gayundin ang pag-aalis, pagsira at pagbabawal na mamahagi ng mga ligal na election propaganda. 

Samantala, simula na rin ng paghahain ng certificate of candidacy sa Office of the Election Officer sa mga lungsod at munisipalidad na tatagal naman hanggang April 20, 2018. 

Maglalagay na rin ang Comelec ng checkpoint sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang panahon ng kampanya ay magsisimula sa May 4 hanggang May 12.

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with