NPC mag-iimbestiga nasa Facebook data breach
MANILA, Philippines — Sisimulan na ng National Privacy Commission (NPC) nag pag-iimbestiga sa data breach sa social media na Facebook.
Magugunitang kinumpirma ni Facebook founder and CEO Mark Zuckerberg na napasok ng Cambridge Analytica ang Facebook kung saan ninanakaw ang data ng mga users, kabilang ang mahigit isang milyong Pilipino.
Sinabi ni Privacy Commissioner Raymund Liboro, sumulat na sila kay Zuckerberg para magsumite sa komisyon ng mga dokumento kaugnay sa data breach para maitatag ang scope o lawak, gayundin ang impact ng insidente sa Filipino data subjects.
Ayon kay Commissioner Liboro, nais nilang malaman kung mayroong hindi otorisadong pagkakagamit ng mga personal data ng mga Pilipino at iba pang posibleng paglabag sa Data Privacy Act of 2012.
Sentro rin ng imbestigasyon kung paano nai-share o naibahagi ng Facebook sa third party ang personal data ng mga Filipino users.
- Latest