^

Bansa

Non-college grad ‘no way’ kumandidato

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Non-college grad ‘no way’ kumandidato
Kinukumpuni at nililinis na ng mga kawani ang mga lumang balota sa Comelec warehouse sa Port Area, Manila na gagamitin sa nalalapit na barangay at SK elections sa Mayo 14.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi na papayagang kumandidato sa pagka-pangulo, bise presidente, senador at congressman ang mga non-college degree holders.

Ayon kay Eduardo Nachura, ex-associate chief justice ng Supreme Court at Consultative Committee (ConCom) member, nais nilang ipromote ang educational requirement hindi lang sa congressman candidates, gayundin para sa senator, vice president at president.

“In all proposals for national positions: congressmen, senators, president at vice president, kailangang may college degree or its equivalent,” pahayag ni Nachura.

Sa ilalim ng panukala ni Nachura, iiklian din sa apat na taon ang termino ng matataas na opisyal sa ehekutibo at lehislatura, gayundin ay isang beses na lang sila maaaring mare-elect.

Sa kasalukuyang konstitusyon, mayroong dalawang termino ang mga naturang opisyal, kung saan sa ilalim nito ay may anim na taong panunungkulan.

Bukod dito, irerekomenda rin umano ni Nachura ang tandem voting kung saan otomatiko nang uupo bilang bise presidente ang partner ng mananalong pa­ngulo mula sa parehong partido.

“What the situation today will not happen dahil magkasama na ng partido. A vote for the president will also be a vote for a vice presidential candidate,” ani Nachura na sub-committee chairman ng binubuong federalism government.

Bibigyan din ng agarang posisyon sa Gabinete ang mauupong bise, habang ang mga miyembro ng Kongreso ay ihahalal ng kada fe­deral regions.

Sa kabila nito nilinaw ni Nachura na pagbobotohan pa ng ConCom en banc sa Lunes ang draft ng kanyang bagong konstitusyon na ire­rekomenda sa Pangulo.

SUPREME COURT AT CONSULTATIVE COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with