MANILA, Philippines — Hindi na ie-extend ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang April 16 deadline sa filing ng 2017 Annual Income Tax Returns (ITR) at pagbabayad ng tax due.
Sa ilalim ng National Internal Revenue Code of 1997 o Tax Code, hanggang ?April 15 lamang ang deadline ng filing ng ITR at tax payment pero dahil ngayong taon ay natapat sa Linggo ang ?April 15, kayat ginawang ?April 16 ang deadline para rito.
Ayon sa BIR, ang mabibigong mag-file ng ITR na lampas ng ?April 16 ay sisingilin ng kaukulang penalties alinsunod sa Tax Code.
Kasama sa penalties ang 25 percent surcharge, 12 percent interest per annum, at compromise penalty (alinsunod sa schedule ng penalties).
Hinikayat ng BIR ang mga taxpayers na huwag nang paabutin ng last minute ang pagbabayad ng ITR upang hindi ma-hassle at hindi ma-penalty.