^

Bansa

Ilang opisyal ng Alliance Corp. idiniin ng DoJ sa estafa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Isinulong Department of Justice (DoJ) sa korte ang kasong kriminal laban sa negosyanteng si George Sycip at mga miyembro at opisyal ng Alliance International Incorporated (Alliance).

Sa 22-pahinang Re­solution na nilagdaan ni DOJ Undersecretary Deo L. Marco, may sapat na basehan o  probable cause para sa reklamong Estafa laban sa Chairman of the Board na si George Sycip, at board of directors na sina Jonathan Y. Dee, Alvin Y. Dee, Joanna Y. Dee-Laurel, Teresita S. Ladanga, Grace S. Dogillo at Arak Ratborihan.

“[T]his Office finds probable cause to charge respondents in 01028, for the crime of Estafa under Article 315 2(a) of the Revised Penal Code [against the respondents,]” saad ng kautusan.

Nag-ugat ang kaso nang ireklamo ng foreign shareholders na Harvest All Investment Limited, Victory Fund Limited at Bondeast Private Limited and Hedy S.C. Yap Chua ang Alliance.

Inatasan ng DOJ ang City Prosecutor of Manila na ihain na ang kaukulang information sa nasabing kaso at ireport sa loob ng 10 araw ang aksiyon kung ito ay naisampa na.

Alegasyon ng mga complainant, hindi umano maayos na ginamit sa iligal na aktibidad at transaksiyon ang kanilang investments sa Alliance.

Hinimok umano sila na mag-invest  noong  Enero 2019 na umabot sa  mahigit P75 milyon, mahigit $65,000 dollars at nasundan pa ng mahigit P4 milyon na inakalang kikita ng malaki.

“We agree that the false pretenses employed by respondents...that Alliance is a yielding business and a wise investment with attractive profits, that the corporation is engaged in the manufacturing, canning, sale, importing, exporting of tuna and salmon and their expectancy for growth considering the promise for expansion, that induced them to invest their money,” saad sa resolusyon.

“Stated otherwise, had they known that Alliance was a vehicle to bail-out the Dee Companies and indulged in a sophisticated scheme to recover the lost business empire of the Dee Family, complainants...would not have parted with their money.”

Samantala, ibinasura naman ang falsification of public documents at syndicated estafa laban sa mga respondents dahil sa kakulangan ng batayan.

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEORGE SYCIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with