MANILA, Philippines – “Mga bobo!”
Ito ang isinigaw ng abogadong si Larry Gadon sa mga taga-suporta ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Baguio City ngayong Martes.
Nakatakdang gawin ang oral arguments ngayon sa Supreme Court sa Baguio City para sa petition for quo warranto na isinampa ni Solicitor General Jose Calida laban kay Sereno.
Si Gadon ang naghain ng impeachment complaint laban sa punong mahistrado.
BASAHIN: Sereno kailangan nang mawala sa Korte Suprema – Duterte
Bukod sa pagsigaw ng “mga bobo” nagtaas din ng “dirty finger” ang abogado.
Kahapon lamang ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na masama para sa bansa si Sereno at dapat aniyang mawala na sa mataas na hukuman ang punong mahistrado.
Hinikayat din niya ang Kongreso na madaliin ang pagpapatalsik kay Sereno.