Bagong DOJ chief rerepasuhin ang kaso vs Kerwin, Napoles

MANILA, Philippines — Susuriing muli ng bagong talagang Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga kontrobersyal na kaso na naging sanhi sa pagbibitiw ng dating kalihim Vitaliano Aguirre II.

“I will review previous actions on the Espinosa and Napoles cases. That’s top priority in view of the public interest involved,” pahayag ni Guevarra kahapon.

Nagsimula na sa DOJ si Guevarra kahapon kasunod ng pagbaba sa pwesto ni Aguirre na nasangkot sa magkakasunod na kontrobersya kabilang ang naibasurang kasong may kinalaman sa ilegal na droga laban kina Kerwin Espinosa at Peter Lim.

Sa pamumuno ni Aguirre ay naipasok din sa witness protection program ang tinaguriang pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles.

Sinabi ni Guevarra na magiging tikom ang kaniyang bibig tungkol sa mga kaso hindi tulad ng kaniyang mga sinundan na sina Aguirre at ngayo’y Sen. Leila de Lima.

“Very much unlike my predecessors, I’d like to be the last person to speak about cases under investigation... I will not prejudge till I’ve formed my own conclusion,” paliwanag niya.

“Prudence is my guiding principle, and the rule of law is my one and only compass. As an individual with a quiet family, I have neither political ambitions nor any agenda to dispense justice,” dagdag ni Guevarra.

Nanilbihan bilang deputy executive secretary si Guevarra sa administrasyong Aquino at Duterte.

 

Show comments