MANILA, Philippines — Ibilang mo na ako bilang kalaban mo Sereno. You are now my enemy!
Ito ang binigyang-diin kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ang kautusan kay House Speaker Pantaleon Alvarez na madaliin na ang impeachment laban kay Supreme Court Ma. Lourdes Sereno.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview sa Davao City bago siya tumulak patungong Hainan, China para sa Boao business forum na hindi siya nakikialam sa kaso ni Sereno subalit dahil mapilit siya ay tutulungan ko na si Solicitor General Jose Calida para mabilis na mapatalsik ang chief justice.
“I am asking Congress…What’s taking you so long? Referring to impeachment complaint vs. CJ Sereno. Do it now Speaker Alvarez, fast-track the impeachment process vs. Sereno. Sereno is bad for the Philippines,” wika pa ni Pangulong Duterte sa media interview sa Davao City International Airport.
“I am putting you on notice that I am now your enemy and that you have to be out of the Supreme Court,” dagdag pa ng Pangulo bilang sagot sa naging pahayag ni Sereno kahapon.
Binigyang-diin ng Pangulo na hindi siya nakikialam sa kaso ni Sereno partikular sa paghahain ng “quo warranto petition” ng Office of the Solicitor General gayundin ang inihaing impeachment complaint sa Kongreso.
“Sinabi ko na kay Chief Justice Sereno, I am not into the habit na maghabol ng kalaban. I have no history on that,” giit pa ni Pangulong Duterte.
Sa isang speech kahapon ni Sereno, hiniling nitong magpaliwanag si Duterte sa publiko kung bakit si Calida ang naghain ng petisyon sa SC laban sa kanya kung talagang hindi nakikialam ang Pangulo.
“Pakipaliwanag po bakit si Solicitor General (Jose) Calida ang nag-file nitong quo warranto. Surely you must explain to the people why this unconstitutional act,” wika ni Sereno kahapon sa Movement Against Tyranny sa Quezon City.