Kandidatong may kinalaman sa droga kalabanin, huwag iboto sa darating na barangay, SK polls
MANILA, Philippines — Kulang ang batas upang mapigilang makatakbo sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ang mga kandidatong may kinalaman sa ilegal na droga kaya naman nananawagan ang isang election watchdog upang malabanan ito.
Sinabi ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na dalawa laamng ang maaaring gawin ng mga botante at ito ay ang huwag bumoto o kalabanin ang mga kandidatong may kinalaman sa ilegal na droga.
Anila walang kapangyarihan ang Commission on Elections na diskwalipikahin ang mga naturang kandidato.
“Opposition (to their candidacy) should always be based on (what is provided by) qualifications or disqualifications. (The) opposition can’t be filed on the basis of hearsay or public knowledge that a candidate is a drug lord or pusher,” paliwanag ni LENTE executive director Rona Caritos.
“They (Comelec) can’t do much. During the filing of COCs, their review is limited only to the four corners of the certificate, checking if the candidates correctly filled up the form,” dagdag niya.
Nasa 9,000 lokal na opisyal, kabilang ang barangay officials ang nasa “narco-list” ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito ay dalawang beses nang ipinagpaliban ang botohan.
Nakatakdang gawin ang halalan sa Mayo, habang magsisimulang tumanggap ang Comelec ng certificate of candidacy sa Abril 14 hanggang 20.
- Latest