MANILA, Philippines — Posibleng ideklara na ngayong linggo ng PAGASA ang simula ng summer season.
Inaasahan daw kasi na tuluyan nang hihina ang northeast monsoon o amihan na siyang nagdadala ng malamig na hangin sa bansa.
“Nakita po namin na hindi na babalik si amihan at magdedeklara na po tayo ng tag-init ngayong linggo,” pahayag ni PAGASA meteorologist Aldczar Aurelio sa radio interview.
Sa ngayon, naghahatid pa ito ng maulap na panahon at kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Bicol, Ilocos, at Central Luzon.
Noong nakaraang taon, inanunsyo ng PAGASA ang simula ng summer season noong Abril 5.