^

Bansa

Solar energy, malaking tulong sa ekonomiya – Rep. Revilla

Pilipino Star Ngayon
Solar energy, malaking tulong sa ekonomiya – Rep. Revilla
Dito ay hinikayat ni Rep. Revilla ang ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Dept. of Health (DoH), Dept. of Energy (DoE) at Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pa.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagpahayag kamakailan si Bacoor, Cavite Rep. Strike Revilla ng suporta sa paggamit ng Solar energy o teknolohiya kung saan ang haring araw ang nagbibigay lakas patakbuhin ang ilaw o ibang kasangkapang gamit sa araw-araw.

Dito ay hinikayat ni Rep. Revilla ang ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Dept. of Health (DoH), Dept. of Energy (DoE) at Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pa. Gaya ng DoH na maaring isabay ang pagpapakabit ng Solar energy system sa pagpapatayo ng health center at ospital. Gayundin ang DepEd sa mga classrooms na magbibigay ng malinis at maayos na energy source tulad ng ilaw, computers at electric fans.

“Noong ako po ay kasalukuyang Mayor ng Bacoor, ikinabit natin sa solar power ang Disaster Management Center ng lungsod. Na mapahangang ngayon ay walang binabayarang kuryente at epektibong maasahan sa ano mang panahon ng kalamidad sa oras na mawala ang supply ng kuryente,” pahayag ni Revilla.

Tiwala ang mambabatas na ang kanyang hangarin ay makikita ng iba at magkakaroon ito ng katuparan para sa mas mabilis na pag-unlad hindi lang Bacoor bagkus ay buong bansa. Butch Quejada

SOLAR ENERGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with