AWOL, natutulog at umiinom na parak on duty, pinatututukan kay Albayalde

MANILA, Philippines — Tutukan ang mga AWOL (Absent Without Official Leave), natutulog, hindi nagtratrabaho at mga umiinom na parak habang naka-duty bilang bahagi ng internal cleansing sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang unang direktiba ni Department of Interior and Local Government (DILG)  officer-in-charge Secretary Eduardo Año kay incoming PNP Chief Director Oscar Albayalde.

 “With P/Dir. Alba-yalde’s leadership, we are confident that we can all deliver Pres. Duterte’s promise to eradicate illegal drugs, criminality, and corruption,” dagdag pa ni Año.

Sinabi ni Año na karapat-dapat sa puwesto si Albayalde dahil sa track rekord nito at pagiging propesyunal sa trabaho.

Naging matagumpay ang pamumuno ni Albayalde sa NCRPO partikular na sa idinaos na ika -31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa bansa noong nakalipas na taon.

“It is one of the defining moments of Albayalde’s career which was indicative of strong leadership. His performance during the ASEAN Summit, there is no doubt that he can successfully lead the entire PNP in the all-out campaign against drugs, criminality, and corruption,” anang opisyal.

Show comments