^

Bansa

Digong sa bagong DOJ secretary: Gawin kung ano ang tama

Pilipino Star Ngayon
Digong sa bagong DOJ secretary: Gawin kung ano ang tama

MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maibalik ang magandang imahe ng Department of Justice (DOJ) kasunod ng pagkakaluklok ng bagong kalihim nito.

Nanumpa kahapon si dating Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra bilang bagong DOJ secretary matapos magbitiw si noo’y Secretary Vitaliano Aguirre II.

“Do what is right,” payo sa kaniya ni Duterte, ayon kay Guevarra.

BASAHIN: Digong tinanggap ang pagbibitiw ni Aguirre

"The president told me to bring back the [Deparment of Justice]'s dignified image," dagdag niya.

Hindi na naging maganda ang pamamalakad ni Aguirre sa DOJ matapos masangkot sa iba’t ibang kontrobersiya kabilang ang pagkakabasura ng kaso laban sa mga pinaniniwalaang drug lord ng bansa.

Bago magbitiw ay ilang beses nang nagkaroon ng panawagan sa pagbaba niya sa pwesto at isa sa mga bumoses ay si Sen. Risa Hontiveros.

Kasalukuyang interim ang pwesto ni Guevarra dahil naka-recess pa ang Kongreso.

 

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with