Boracay isasara na sa Abril 26
MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Duterte ang 6 na buwang pagpapasara sa Boracay island na epektibo simula sa darating na Abril 26.
Ito’y batay na rin sa naging rekomendasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism para maisailalim sa rehabilitasyon ang isla.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maglalaan ng P2 bilyong pondo ang gobyerno mula sa calamity fund upang tulungan ang may 35,000 manggagawang mawawalan ng trabaho sa pagpapasara sa Boracay island.
“?2 billion calamity fund will only cover displaced workers from legitimate establishments in Boracay,” paliwanag naman ni DENR Usec. Jonas Leones.
“Violators of environmental laws such as Clean Water Act will be issued cease and desist orders following requirements and procedures,” dagdag ni Leones.
Dagdag pa ng mga opisyal, mamadaliin nila ang rehabilitasyon ng Boracay upang makapag-bukas muli ito at maibalik ang kagandahan ng isla na isang Paraiso.
Samantala, nagkansela na rin ng kanilang Kalibo at Caticlan flights sa Aklan ang ilang airlines para sa gagawing pagsasara.
Related video:
- Latest