Guevarra bagong DOJ secretary

MANILA, Philippines – Katatanggap pa lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pagbibitiw ni Vitaliano Aguirre II sa Department of Justice (DOJ) ay may nahanap na siyang kapalit.

Nanumpa kay Duterte ngayong Huwebes bilang bagong DOJ secretary si Menardo Guevarra.

BASAHIN: Digong tinanggap ang pagbibitiw ni Aguirre

Bago pamunuan ang DOJ ay nanilbihan bilang Senior Deputy Executive Secretary si Guevarra.

Napabalita munang sisibakin ni Duterte si Aguirre dahil sa kinasangkutan ng kagawaran na iba’t ibang isyu kabilang ang pagkakabasura ng kaso laban sa mga pinaniniwalaang drug lord ng bansa.

Show comments