Digong tinanggap ang pagbibitiw ni Aguirre
MANILA, Philippines — Tuluyan na ngang bumaba sa pwesto si Justice Secretary Vitaliano Aguirre kasunod ng balitang sisibakin siya ni Pangulong Rodrigo Duterter.
Sinabi ni Duterte ngayong Huwebes na tinanggap niya ang pagbibitiw ni Aguirre na nasangkot sa iba’t ibang kontrobersya.
"I [will] just also tell you now that I conferred with the officials, I accepted the resignation of Vit Aguirre, [my] fraternity brother, as Secretary of Justice," pahayag ni Duterte.
Hindi na naman nagbigay ng detalye ang pangulo sa pagbibitiw ni Aguirre, habang sinabi niya na naghahanap pa siya ng papalit sa mababakanteng pwesto.
- Latest