Medialdea OIC muna

MANILA, Philippines — Itinalaga ni c bilang officer-in-charge si Executive Secretary Salvador Medialdea habang ito ay nasa biyahe sa China at HongKong sa susunod na linggo.

Sa ipinalabas na special order no. 310 ni Pangulong Duterte, si Medialdea ang officer in charge habang dumadalo siya sa Baoa business forum mula Abril 9-10 at working visit sa Hong Kong mula Abril 11-12.

Samantala, itinalaga rin ng Pangulo si Vincent Maronilla bilang assistant commissioner sa Bureau of Customs kapalit ni Ariel Nepomuceno.

Itinalaga rin ni Duterte bilang undersecretary sa Department of Interior and Local Government si Nestor Quinsay Jr. kapalit ni Jesus Hinlo Jr.

Show comments