2 respondents sa high-profile drug case patay na

MANILA, Philippines — Patay na ang dalawang kabilang sa high-profile drug case na isinampa ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group na nito lamang ay ibinasura ng Department of Justice.

Nalaman na patay na ang dalawa matapos magpadala ng subpoena ang DOJ sa lahat ng mga kinasuhan para sa nakatakdang preliminary investigation sa Abril 12.

Nasawi ang isa na nakilalang si Nelson Pepito matapos tambangan noong Disyembre 1, 2017 sa Albuera, Leyte, habang napatay naman ng mga pulis si Max Miro sa Ormoc City nitong Marso 10.

Kabilang ang dalawa sa kasong ibinasura ng mga piskal ng DOJ dahil sa kahinaan ng reklamo ng PNP-CIDG.

Ilan pa sa dawit sa kaso sina Peter Co, Peter Lim, Kerwin Espinosa, Lovely Impal, Ruel Malindangan at 11 iba pa na nakilala lamang sa kanilang mga palayaw.

Nagsagawa naman ng panibagong imbestigasyon ang DOJ sa kaso kasunod na rin ng galit ng taumbayan lalo na’t umamin si Espinosa na isa siyang drug dealer.

 

Show comments