Recount sa VP sinimulan na

Una na nang itinakda ang recount noong Pebrero subalit ipinagpaliban ito noong Marso 19 hanggang sa itakda kahapon, Abril 2. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inumpisahan na ng Presidential Electoral Tribunal ng Korte Suprema ang  recount  sa mga balota sa pagkabise-presidente bunsod na rin ng inihaing electoral protest ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Una na nang itinakda ang recount noong Pebrero subalit ipinagpaliban ito noong Marso 19 hanggang sa itakda kahapon, Abril 2.

Ayon kay PET spokesperson Theodore Te, kasama sa isasailalim sa recount ang mga boto sa 5,418 precincts mula sa Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental, ang tatlong lalawigan na inireklamo ni Marcos sa kanyang electoral protest laban kay Robredo.

Paliwanag ni Te, layon ng recount na malaman ang tunay na bilang ng  botong nakuha nina Marcos at Robredo sa nakaraang May 9, 2016 national elections sa pamamagitan ng manual recount.

Ihihiwalay umano ng Head Revisor  ang  mga balota at muling bibilangin upang  malaman kung ilan ang mga nakuhang  boto ng magkabilang panig.

Matatandaang Hunyo 2016 nang maghain ng electoral protest  si Marcos at akusahan si Robredo  ng pandaraya noong nakaraang  halalan. 

Hiniling din ni Marcos sa PET na ideklara siyang nanalo bilang vice president sa nasbaing halalan. 

Samantala, sa labas ng Supreme Court, madaling-araw pa lamang nang dumagsa ang mga tagasuporta ni Marcos upang  suportahan ang pagsisimula ng  recount.

Related video:

Show comments