^

Bansa

Mocha kinasuhan sa fake news

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mocha kinasuhan sa fake news

Nanguna kahapon ang mga student leaders mula sa Akbayan Youth sa isinagawang protesta at paghahain ng kaso sa Office of the Ombudsman laban kay Presidential Communications Asec. Mocha Uson na humihiling na siya ay masibak sa puwesto dahil sa umano’y pagpapakalat ng mga fake news. Kabilang sa mga kasong isinampa ay ang gross misconduct,  serious dishonesty at conduct prejudicial to service. Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Ipinasisibak ng grupo ng mga kabataan sa tanggapan ng Ombudsman si Presidential Communications Asst. Secretary (Asec) Mocha Uson dahil sa umano’y pagpapalaganap ng fake news.

Ito ay matapos sampahan ng kasong administratibo si Uson ng grupong Akbayan Youth sa Ombudsman dahil sa pagkakalat umanp nito ng mga maling impormasyon sa mga tao habang naninilbihan sa pamahalaan.

Inakusahan ng gurpo si Uson ng “gross misconduct, serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of public service” dahil sa pagpapakalat umano nito ng mga maling balita sa kanyang Facebook account na Mocha Uson Blog habang nakaupong Asec. ng Presidential Communications Operation Office ( PCOO).

Binigyang diin ni Bas Claudio, sec. gen. ng Akbayan Youth UP Diliman na pagsasayang lamang ng pondo ng pamahalaan ang ipinasasahod kay Uson lalo pa’t mula ito sa buwis ng mamamayan gayung wala naman umano siyang ginawa sa kanyang puwesto kundi magpakalat ng ma­ling balita sa mga tao. 

Tinukoy ng grupo ang hindi makatuwirang pahayag ni Uson na nagresulta ng “cyber bullying attacks”  sa mga mag-aaral ng St. Scholastica’s College at lumikha ng misinformation sa kanyang blog noong Nob. 2016 na nakasulat doon na ang mag-aaral ng naturang paaralan ay kailangang makiisa sa isang protest rally. Anila, ang pananatili ni Uson sa PCOO ay banta rin sa seguridad ng mga taong kumakastigo sa pamahalaan. 

Incompetent umano si Uson na hawakan ang kasalukuyang posisyon lalo pa at nagpapakita umano siya ng kawalang alam sa probisyon ng Konstitusyon at maging sa Philippine geography nang sabihin niya na ang Mayon Volcano ay nasa Naga City gayung ang bulkan ay nasa Albay.

Kabilang din ang blog ni Uson noong Agosto 2017 kung saan kinastigo nito ang mga opposition officials na bumisita sa napaslang na  si Police Sr. Insp. Mark Garcia  kahit na ang naturang pulis ay may isang taon nang patay.

Samantala, sinabi ni Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra sa media briefing sa Malacanang na tiwala silang kayang depensahan ni Uson ang kanyang sarili mula sa akusasyon ng Akbayan Youth.

Hindi rin naniniwala si Guevarra sa akusasyon ng Akbayan Youth na nagpapakalat ng fake news si Uson. Rudy Andal

ASEC. MOCHA USON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with