Wala tayong dapat ikatakot kasi katotohanan ang ating ipinaglalaban – Leni
MANILA, Philippines – Sa pagsisimula ng recount ng Presidential Electoral Tribunal (PET), kumpiyansa si Bise Presidente Leni Robredo na papabor ito sa kanila.
Sinabi ni Robredo sa kaniyang mga taga suporta ngayong Lunes na mayroong pag-asa sa gitna ng kadiliman lalo na’t nasa panig nila ang katotohanan.
“Yesterday was Easter, and the biggest lesson of Easter is that there is always hope in the midst of darkness,” wika ni Robredo sa misa na idinaos sa St. Scholastica’s College sa Maynila.
BASAHIN: Bongbong nakitaan a gad ng aberya ang recount
Ngayong araw ay sinimulan ng PET ang manula recount sa pilot provinces kung saan ito ang magiging basehan kung dapat bang bilangin muli ang mga boto sa buong bansa noong 2016 national elections.
Kanina lamang ay inihayag ng nagreklamo at natalong kandidatong si dating Sen. Bongbong Marcos ang mga nakita niyang aberya sa mga balota.
Tinukoy ni Marcos ang mga basang balota at nawawalang audit logs ng mga balota mula sa bayan ng Bato sa Camarines Sur.
“Maraming lumalaban na parating ang tanong, ‘May pag-asa ba? Kailan ba makikita ang liwanag.’ Pero iyong readings natin ngayong umaga, sinasabi na maniwala tayo dahil sa dulo ng lahat parating katotohanan iyong mananaig,” sabi ni Robredo.
Nagbalik tanaw din si Robredo na dating kinatawan ng Camarines Sur sa mga pinagdaanan niya bago nanalong bise president.
“Noong nagsisimula tayo, lahat nagsasabi na walang pag-asa. Pero iyong ginawa natin, we just continued fighting. We just continued [with] what we think was right. Ginagawa lang iyong tama, and nanalo tayo” sabi ng bise presidente na dating kinatawan ng Camarines Sur sa Kamara.
“Alam natin na ang pinaglalaban natin ngayon, katotohanan. Maraming nagsasabi mahirap iyong kalaban. Marami iyong nagsasabi mahirap iyong panahon ngayon. Pero iyong lesson ng lahat ng pinagdaanan natin—ako mismo, iyong lesson ng buhay ko—lahat mahirap, pero basta tama iyong pinaglalaban, parating liwanag iyong nasa dulo,” patuloy niya.
Hinikayat niya ang kaniyang mga taga-suporta na huwag sumuko sa kinakaharap na laban upang hindi manaig ang kadiliman.
“Wala tayong dapat ikatakot. Wala tayong dapat ikatakot kasi katotohanan iyong ating pinaglalaban,” ani Robredo.
“Kailangan tayo para tayo iyong magbigay ng liwanag, kasi kung tayo mismo iyong umayaw, lalong didilim iyong paligid. And so many people are looking up to us. For us to fight for them. Kaya patuloy lang tayo.”
Related video:
- Latest