^

Bansa

50-K pasahero naitala ng PCG sa bisperas ng Easter Sunday

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na humigit kumulang sa 50,000 biyahero ang dumagsa sa iba’t ibang pantalan sa bansa, ilang oras bago ang selebrasyon ng Easter Sunday.

Lumalabas sa rekord ng PCG na umaabot sa 46,910 pasahero na ang kanilang naitala mula alas-6:00 kamakalawa ng gabi hanggang alas-12:00 ng madaling araw.

Sinabi ng PCG na mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa naitala na 17,315 pasahero na nagsisiuwian at dumagsa sa mga pantalan sa huling anim na oras naman noong Biyernes Santo o Good Friday.

Ayon kay PCG spokesman Commander Armand Balilo, inaasahan nila sa  mismong Easter Sunday o kahapon,  na mas marami pang pasahero ang dadagsa sa mga pantalan upang humabol sa kanilang oras dahil pasukan na naman sa trabaho (pampubliko o pribado) ngayong Lunes lalo na ang mga pauwi lulan ng barkong Ro-Ro patungong Metro Manila at iba pang mga karatig na lalawigan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with