Bagyong ‘Caloy’ nasa PAR na
MANILA, Philippines – Pumasok na sa Philippine area of responsibility ang bagyong “Caloy” na may international name na “Jelawat,” ayon sa state weather bureau ngayong Martes.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,015 kilometro silangan ng Surigao City sa Surigao del Norte kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ng pangatlong bagyo ngayong taon ang lakas na 65 kilometers per hour at bugsong aabot sa 80 kph, habang gumagalaw hilaga hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.
Dahil sa layo nito ay wala namang direktang epekto ang bagyo sa buong bansa.
Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo sa Biyernes ng umaga.
- Latest