MANILA, Philippines – Inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ngayong Lunes ang serye ng new generation currency coins (NGC) na binubuo ng P10, P5, P1, P.50, P.25Sentimo at P.10.
Gawa sa nickel-plated steel ang mga bagong barya na kulay “metallic silver” kung saan tampok ang endemic plants ng Pilipinas.
“Ang bagong disenyo at mga detalye ng NGC Coins ay magbibigay ng mas magandang anyo at mas mahusay na seguridad ng mga barya,” ayon sa BSP.
Ginamitan ng laser-engraving technology ang P10 at P5 upang malagyan ng micro-printed details.
“Ang metallic composition ng NGC coins ay binago upang masugpo ang iligal na pagtunaw at pagkuha ng mga mahahalagang metal nito,” dagdag niya.
Ang BSP Coin Series ay maaari pa ring gamitin kasabay ng NGC Coin Series sa pang-araw-araw na transaksyon, hanggang sa ipahayag ng BSP ang “demonetization” o pagsasawalang bisa ng lumang barya.