MANILA, Philippines — Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga Katoliko na gamitin ang Semana Santa para kilalanin pa ng mas malalim si Hesus.
Sinabi ni Tagle sa kanyang homily para sa Palm Sunday sa Manila Cathedral na kagaya ni Hesus, na siyang “King” o hari ng mundo, dapat aniyang manalig sa Panginoon at huwag magtiwala sa anumang magdudulot ng karahasan.
Kanya ring hinimok ang mga nananampalataya na gayahin ang pagiging mapagkumbaba ni Kristo. Dapat aniyang gayahin ng mga Katoliko ang pagiging simple ni Kristo at pagmakaawain sa mga mahihina at makasalanan.
“The serene dignity and silence of the person who trusts in God and who is full solidarity with sinful humanity, that is true authority. That is our true king. That is the king that will save the world,” ani Tagle.