Eskwela BAN sa Sigarilyo

Ayon kay DepEd Usec.for legal affairs Alberto Muyot, ang EskweLa BAN sa Sigarilyo project ay tatlong taong partnership sa Tobacco-Free Kids Action Fund na una ng ipinatupad sa ilang piling paaralan sa Pasig, Makati, Batangas, Bulacan, Bataan at Pampanga. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipapatupad na ng Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng school year 2018-2019 ang programang Eskwela BAN sa Sigarilyo o pagbabawal na manigarilyo sa loob at labas ng paaralan sa buong bansa.

Ayon kay DepEd Usec.for legal affairs Alberto Muyot, ang EskweLa BAN sa Sigarilyo project ay tatlong taong partnership sa Tobacco-Free Kids Action Fund na una ng ipinatupad sa ilang piling paaralan sa Pasig, Makati, Batangas, Bulacan, Bataan at Pampanga.

“The EskweLa BAN sa Sigarilyo Project ends in its pilot-testing phase, and its components will be adapted by DepEd for roll-out nationwide,” sabi  ni Muyot.

Sinabi ni Muyot, magsasagawa sila ng mahigpit na monitoring, mamimigay ng training manuals at school-based campaign materials para ipaalam sa mga estudyante ang implementation ng programa para tuluyang ma-kontrol ang paninigariloyo sa school campus at premises.

Bukod sa paninigaril­yon, ipinagbabawal din ang magtinda ng sigaril­yo at advertisement ng tobacco products sa loob ng 100-meter perimeter ng paaralan at pagtanggap ng sponsorships mula sa tobacco industry.

Show comments