Trillanes may patama kay Koko

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Trillanes na ina-assume lamang ni Pimentel na maari pa siyang muling kumandidatong senador “by implication” kahit pa taliwas ito sa 2-term limit na nakasaad sa Konstitusyon. Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — May patama kahapon si Sen. Antonio Trillanes IV kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III kaugnay sa interpretasyon nito sa isinasaad ng Konstitusyon na papabor sa muli niyang pagtakbo sa Senado kahit natapos na ang dalawang termino.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Trillanes na ina-assume lamang ni Pimentel na maari pa siyang muling kumandidatong senador “by implication” kahit pa taliwas ito sa 2-term limit na nakasaad sa Konstitusyon.

Para umano sa interpretasyon ni Pimentel, puwede pa muli itong tumakbo dahil wala pa siyang dalawang taon na nanilbihan noong una niyang termino nang palitan niya sa puwesto si Sen. Juan Miguel Zubiri.

“I’m just saying that his argument is inconsistent because he said it is dangerous to imply anything that is not clearly written in the Constitution. Yet, when it is convenient for him, he can imply,” sabi ni Trillanes.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Pimentel na walang basehan ang opinyon ni Trillanes at hindi ito dapat sinasagot.

Hindi rin umano isang abogado si Trillanes.

“Ahem. Sen. Trillanes is not a lawyer. So his baseless opinion doesn’t justify a response. Sayang oras ko…,” pahayag ni Pimentel.

Show comments