^

Bansa

Iboto ang tamang barangay, SK leaders – Bam

Pilipino Star Ngayon
Iboto ang tamang barangay, SK leaders – Bam

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Sen. Bam Aquino ang mga botante na iboto ang tamang pinuno na mangunguna at magbibigay proteksiyon sa kanilang komunidad.

Sinabi ito ni Aquino sa katiyakang matutuloy ang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo.

“Tuloy na tuloy na ang barangay at Sangguniang Kabataan elections. Walang ipapasa na postponement sa Senado. Wala nang makapipigil pa sa halalan sa Mayo 14,” pahayag ng senador.

Sinabi ito ni Aquino sa kabila ng pagkakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara na naglalayon muling iusog ang halalan sa Oktubre.

Nanawagan din siya sa publiko na maging matalino sa pagpili ng susunod nilang lider at ipinaalala na kailangan ihalal ang mga pinunong malinis at hindi sangkot sa anumang ilegal na gawain.

“Piliin natin ang pinuno na sisiguraduhing ligtas ang ating mga komunidad sa mga krimen at pang aabuso ng mga nasa kapangyarihan,” ani senador.

Itinaas ng batas ang edad ng SK officials patungong 18 hanggang 24 taong gulang, upang maging legal ang pagpasok nila sa mga kontrata at mapapanagot sa kanilang aksyon.

Kailangan na ring sumailalim sa leadership training programs ang mga SK official upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa pagtupad sa tungkulin.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with