‘Malaya tayong makalilipad muli’: Jet ni Quiboloy naibalik na
MANILA, Philippines — Naibalik na kay Jesus Christ the Name Above Every Name pastor Apollo Quiboloy ang kaniyang eroplano matapos harangin ng mga awtoridad ng Amerika nitong nakaraang buwan.
Dumating ang kaniyang jet bandang ala-1 ng hapon kahapon sa private hangar sa loob ng Kingdom Central compound sa Davao.
“We are free to fly again,” sabi ni Quiboloy paglapag ng kaniyang Cessna Citation Sovereign.
BASAHIN: Quiboloy itinanggi ang pagkakakulong sa Hawaii
“So we thank the Father for that and I am poised to travel again around the world with this airplane this 2018,” patuloy niya.
Hinarang ang eroplano ni Quiboloy matapos makakita ang mga awtoridad ng Hawaii ng $350,000 cash at iba’t ibang bahagi ng armas.
Napabalita pang nakulong si Quiboloy ngunit kaagad naman itong nilinaw ng kaniyang kampo.
Dahil sa pagkakaharang ay napilitang sumakay sa commercial flight ang pastor pabalik ng Maynila.
Nakabalik sa bansa ang eroplano ni Quiboloy matapos makakuha ng clearance sa US Customs.
“Finally, after the investigation in Hawaii, the Customs officials released the plane, and as you see, it is already in my hangar.”
- Latest