^

Bansa

Digong tutol sa divorce!

Rudy Andal, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Digong tutol sa divorce!
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing sa Camarines Sur Polytechnic College kahapon, ayaw sanang magbigay nang pahayag si Pangulong Duterte sa isyu ng divorce pero dahil natapos na naman ang botohan sa Kamara kung saan ay pumasa na ito sa ikalawang pagbasa ay nais ipabatid ng Punong Ehekutibo ang kanyang pagtutol sa nasabing panukalang batas.
Andy Z. Zapata Jr.

Makasisira sa pundasyon ng pamilya

Mariing inihayag kahapon ng Malacañang na tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa divorce bill na pumasa sa komite ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing sa Camarines Sur Polytechnic College kahapon, ayaw sanang magbigay nang pahayag si Pangulong Duterte sa isyu ng divorce pero dahil natapos na naman ang botohan sa Kamara kung saan ay pumasa na ito sa ikalawang pagbasa ay nais ipabatid ng Punong Ehekutibo ang kanyang pagtutol sa nasabing panukalang batas.

Wika ni Roque, ang ina­alala ni Pangulong Duterte kapag nagkaroon ng dibor­syo  sa Pilipinas ay ang mga bata gayundin ang maapek­tuhang mga maybahay.

“President Duterte is against divorce. Makakasira ito sa pundasyon ng pamilya. Kawawa ‘yong mga anak kapag nagkaroon ng divorce,” dagdag pa ni Roque.

Isa pa, ayon kay Sec. Roque, paano pa makakapaghabol at makakapag-demanda ang mga maybahay laban sa kanilang mga mister na nagpabaya kung magkakaroon ng divorce sa bansa kaya tutol dito ang Pangulo.

Magugunita na nakalusot sa ikalawang pagbasa ng komite sa Kamara ang divorce bill na akda ni Albay Rep. Edcel Lagman at inaasahang makakapasa rin ito sa Senado.

“The Philippines remains as one of only 2 states in the world, besides the Vatican, where divorce is outlawed. Annulments are legal, but the process could take years and cost at least P250,000,” giit ni Rep. Lagman.

Matapos na marinig ang pagkontra ng Pa­ngulo sa panukalang diborsyo, agad na hinikayat ni House Senior Deputy Minority Leader at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza ang mga kasamahang kongresista na huwag nang aprubahan ang “absolute divorce and dissolution of marriage bill”.

Ayon kay Atienza, ngayong nabasa na ng mga kongresista ang nasa isip ng Pangulo ay huwag nang ituloy ag nakatakdang botohan sa plenaryo para sa divorce bill sa ikatlo at huling pagbasa ngayong linggo bago mag lenten break ang kongreso. Giit nito, kahit aprubahan ito sa Mababang Kapulungan ay hindi rin pipirmahan ng Presidente ang divorce bill. Aniya, makapal na ang mukha ng mga kongresista kung ipipilit pa rin nila ang pag-apruba sa divorce bill.

Ikinatuwa ni Atienza na siyang nangunguna sa pagtutol sa diborsyo sa bansa na ipinakita ng Pa­ngulo ang pagiging isang lider at paggawa ng tama kahit pa napaka-popular ngayon ang pagsusulong ng diborsyo sa Pilipinas.

MALACAñANG

PANGULONG RODRIGO DUTERTE

PRESIDENTIAL SPOKESMAN HARRY ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with