Paghuhubog sa mga Kabataang Pinoy ng SOT

Rev. Delbert Hooge

MANILA, Philippines — Ang eskuwelahan ang itinuturing na ikalawang tahanan ng mga kabataang Pilipino. Ang eskuwelahan ang lugar kung saan sila hinuhubog para maging responsableng mamama­yan ng ating bansa.

Sa loob ng fourty years, ang School of Tomorrow Philippines ay isang sistema ng edukasyon sa Pilipinas na ang layunin ay hindi lamang matuto sa aspetong akademiya ang mga kabataan kundi sila ay mahubog at makakilala rin sa Panginoon.

Ang School of Tomorrow, Phils. (SOTP) ay nagsimula sa pamilya ng Kristiyanong missionary na mula pa sa Amerika. Ngayon ay pinapangunahan ito nina Rev. Delbert Hooge bilang executive director at Mrs. Lora Lee Hooge ng SOTP. Tinatayang may humigit kumulang na limang daan (500) schools ang gumagamit ng system ng SOTP mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Kilala ang SOT sa kakaibang approach nito na tinatawag na individualized learning.

Ginagamit ng mga estudyante ang Packet of Accelerated Christian Educations (PACEs) na isang module na hinahati sa labing dalawang unit na ang layunin ay malaman ang bawat konsepto at laman ng naturang PACEs bago mag-advance. May sariling workstation na office ang bawat estudyante. Layunin nito na makapagpokus ang mga kabataan sa kanilang aralin at malimitahan ang ingay at distraksyon na nagiging sanhi sa pag-udlot na pagkatuto ng mga bata.

Isa sa pangunahing lakas ng School of Tomorrow system ay ang malinaw na layunin na makikilalang Biblical ang mga alituntunin naka-design sa kurikulum. Isang pilosopiya na nakatuon sa Diyos, may paniniwala sa Diyos na siyang nakahabi sa bawat pahina ng mga PACEs (Packet of Accelerated Educations), at mga pag­lalarawan ng mga nais na katangian ng Panginoong Hesus na makikita sa mga comic strips at motivational na mga aktibidad.

“Tuntunin sa tuntu­nin; taludtod sa taludtod” (Isaias 28: 10) ay isang subok na paraan upang maisapuso ang mga Biblical na mga katotohanan na ayon nga sa aklat ng Santiago ay upang  mag-mature sa aspetong mental maging sa aspetong pisikal.

Sa PACE Level 1-8, ang mga estudyante ay kailangang magsaulo ng mga Bible Verse  na inilalarawan ng bawat PACE character trait. Mula sa Goal Page hanggang sa Self Test,  ang Bible Verse ay patuloy na inilalahad sa mga bata, at sa PACE Test, paniguradong mababanggit nila ng tama ang mga talata  sa Bible at kung saan ito makikita. Simula sa 9th level, bukod sa pagsasaulo ng mga Bible Verses, ang mga estudyante ay kinakailangan din makumpleto ang activities at mai-apply sa kanilang buhay. Biblical na tipak ay kinalat na rin sa buong hakbang, pagsunod sa mga alituntunin ng banal na kasulatan at pagsasabuhay sa harapan ng mga bata.

Bukod sa pagsasaulo ng mga naka-assign na Bible Verse, responsibilidad din ng mga estudyante  na sauluhin ang assigned Bible Verse for the month. Ang buwanang Bible Verse ay dapat basahin binibigyang-kahulugan tuwing umaga sa opening exercises, at bawat mag-aaral ay dapat bigkasin ang talata nang saulado sa supervisor ng bago ang katapusan ng buwan.

Iba pang programa sa pagsasaulo ng Bible na tunay na challenge sa mga estudyante na lumalahok sa Student Convention ay ang mga “Golden Apple Award” na kailangang isaulo ang buong aklat ng Proverbs; tinatawag naman na “Golden Harp Award” para isaulo ang buong aklat ng John;  “Christian Worker Award” naman para isaulo ang mga libro ng Colossians, I at II Thessalonians, I at II Timothy, Titus, Philemon, Hebrews, James, I at II Peter, I, II, III John; at “Christian Soldier Award” sa pagsasaulo ng Romans, Galatians, Ephesians, at Philippians. Ang pagsasaulo ng Bible ay hindi lamang upang malaman ang mga Biblical principal at character  na makikita sa Bible kundi upang makita at maisagawa ito sa kanilang buhay, na magiging kapaki-pakinabang sa pag-aaral nila sa college at sa pagharap na rin nila sa buhay.

Ang pagsasabuhay ng mga alituntunin ng Biblia, paglilinang ng makadiyos na pagkatao, at pagpapamalas ng isang pamumuhay na katulad ni Cristo ay ang pinakamagandang paghahanda na matatanggap ng isang bata para sa isang rewarding at kapaki-pakinabang na buhay – para sa kaluwalhatian ng Diyos.

Ang SOTP  ay bahagi na ng edukasyon ng mga kabataang Pinoy na mula noon pa ay K-12 system na ang ginagamit sa loob ng 40 years. Ang lahat nang nagsipagtapos na estudyante ay mga responsableng mamamayan na ngayon ng bansa at ma­ging sa ibang panig ng mundo.

Maaaring tumawag sa mga detalye tungkol sa SOTP sa # 8229663 locals 109,141.

Show comments