^

Bansa

Philippine Rise, yaman ng bansa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Philippine Rise, yaman ng bansa

MANILA, Philippines — Isa ang Philippine Rise, dating Ben­ham Rise sa maipagmamalaking­ ya­­man ng bansa na ma­ta­­tag­puan may 250 kilometro (160 milya) sila­ngan ng northern coastline ng Dinapigue, Isabela.

Sa pagdiriwang ng PSN sa temang petmalu @ 32 ay masasabi natin sa mga masugid na mambabasa ng pahayagang ito na masusi naming minomonitor ang mga kaganapan sa Phl Rise bilang bahagi ng soberenya at teritoryong nasasaklaw ng Pilipinas.

Ang Phl Rise ay isang “undersea region”, dating­ kilalang Benham Plateau ay pinangalanan ng pamahalaan bilang Philippine Rise nitong 2017. Ang nasabing mayamang ba­hagi ng “submerged continental shelf” para sa kaalaman ng ating mga mambabasa ay nasa 35 metro sa ilalim ng dagat sa pagitan ng lalawigan ng Aurora at Isabela na sumusukat ng 13 M hektarya at higit na malawak sa pinagsamang laki ng Luzon , Samar at Leyte.

Sa tala ang Benham Rise ay ipinangalan kay Andrew Benham, isang Amerikanong geologist na nakadiskubre nito at higit rin itong malapit sa teri­toryo ng Pilipinas.

Noong Abril 2009 ay nagsampa ang Pilipinas ng ‘full territorial waters claim’ sa United Nations­ Commission on the Limits of the Continental Shelf base sa panuntunan na itinakda ng Commission on the Limits of the Continental Shelf.

Samantalang pinalad naman noong Abril 2012 na kilalanin ng United Na­tions Convention of the Law of the Sea (UNCLOS)  ang claim ng Pilipinas sa PHL Rise na inaprubahan bilang bahagi ng continental shelf at teritoryo ng bansa.

Sa pamamagitan nito ang Pilipinas ay makaka­kuha ng dagdag na be­ne­pisyo sa mineral at gas deposits maliban pa sa yamang dagat sa ma­­laparaiso sa ilalim ng karagatang teritoryo na kung isa kang divers ay makikita mo ang likas na kagandahan.

Ito marahil ang isa sa mga pangunahing da­hilan kung bakit nagpapakita ng interes ang China sa Phl Rise na nais magsagawa ng “underwater exploration study” sa lugar.

Ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Du­terte ay inulan ng mga pagbatikos dahilan sa pagpayag sa China  na magsagawa ng “explo­ration” sa lugar sa kabila ng status quo sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea  kung saan bantay sarado ang Spratly Islands, mga ino­okupang isla ng Pilipinas sa lugar na malapit lamang sa lalawigan ng Palawan.

Nabatid na simula pa noong 2016 ay nagpakita na ng interes ang China sa Phl Rise base na rin sa naunang pag-amin ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Sa gitna na rin ng isyung ito, nanindigan si Defense Secretary Delfin Lorenzana na mananatili ang tropa ng Pilipinas sa pagbibigay proteksyon, pagbabantay at pagmomonitor sa soberenya ng bansa sa Phl Rise.

Si Lorenzana ay una nang nagpahayag ng pagkaalarma sa namoni­tor na mga survey ships ng China na umaaligid sa Philippine Rise noong nakalipas na taon. Samantalang nito lamang mga nakalipas na linggo ay tahasang sinabi ni Pa­ngulong Duterte na hindi mangingimi ang bansa na makipag-giyera sa mga dayuhang bansa na magsasagawa ng intrusyon sa Philippine Rise pero nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi nakadirekta sa China ang pahayag ng punong ehekutibo. 

Magugunita na sa pagdiriwang ng Independence Day noong Hunyo 12 ng nakalipas na taon ay itinaas ng mga “frogmen” ng Philippine Navy katuwang ang mga counterpart na dayuhan at lokal na divers ang bandila ng Pilipinas  sa isa sa mga plateau sa nasabing teritoryo.

Samantalang nito lamang Pebrero 16 ng taong ito, nagdeploy ang AFP ng karagdagang isang batalyon mula sa tropa ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8 upang magbantay at bigyang proteksyon ang soberenya ng bansa sa PHL Rise. 

 Nangako rin si AFP Northern Luzon Command Chief Lt. Gen. Emmanuel Salamat na siyang may hurisdiksyon sa teritoryo na gagawin nila ang kanilang mandato para bantayan at ipagtanggol ang nasabing ekstensyon ng teritoryo ng Pilipinas.

Related video:

PSN32ANNIV2018

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with