Roque gustong tumakbo sa 2019 pero ‘awan ti kuwarta’

Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque responds to follow up question after the press briefing in Malacañang on January 23, 2018.
PPD/Toto Lozano

MANILA, Philippines – Inamin ni presidential spokesperson Harry Roque na gusto niyang tumakbo sa pagkasenador sa 2019 midterm elections ngunit wala siyang panggastos.

Sinabi ni Roque na mababa na ang P500 milyon na gastusin upang makatakbo sa national post.

“Sinabi po ni president susuportahan tayo para sa Senado. Nagpasalamat naman po tayo kay president. Pero ang talagang problema po diyan, riyalidad, eh awan ti kuwarta,” pahayag ng tagapagsalita ngayong Biyernes.

“It costs P500 million at least to run for a Senate seat. Ako naman po, I have no illusions. I know that possibly I would need more time kung gusto kong mag-raise ng ganiyan. Pero it’s 12 months from now or 14 months from now, naku hindi ko po alam kung saan kukunin ‘yang P500 million na ‘yan,” dagdag niya.

Bago maging tagapagsalita ng palasyo ay naging kinatawan ng Kabayan party-list si Roque at inamin niyang hindi niya inaasahan ito.

Kabilang si Roque sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan niya sa 2019 bukod pa kina Bong Go at Francis Tolentino.

“Hindi nga ako makapaniwala, hanggang narinig ko sa bibig mismo ng Presidente. Siyempre hindi natin alam kung ano mangyayari sa 2019,” patuloy ni Roque.

“Am I disappointed? Of course, I am. Do I want to run? Yes, I do. But the reality is 14 months from now, you need 500 million – that’s minimum.

Ilan pa sa napipisil na makasama sa senatorial slate ng PDP-Laban ay sina Senate President Koko Pimentel, Communications assistant secretary Mocha Uson at Davao Rep. Karlo Nograles.

Show comments