Digong may tiwala pa rin kay Aguirre

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bagamat dismayado ang Pangulo sa naging resolus­yon ng DOJ prosecutors ay hindi pa rin nawawala ang tiwala nito kay Aguirre.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Justice Sec. Vitalliano Aguirre sa kabila ng reso­lusyon ng prosecutors nito na ibasura ang illegal drug charges laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bagamat dismayado ang Pangulo sa naging resolus­yon ng DOJ prosecutors ay hindi pa rin nawawala ang tiwala nito kay Aguirre.

Magugunita na ilang mambabatas na rin ang nanawagan para sa pagbibitiw ni Aguirre bukod sa panawagan sa Pangulo na sibakin ang DOJ chief.

Ayon pa kay Roque, nasabi ng Pangulo kamakailan na, kapag nakawala sina Espinosa at Peter Lim ay si Aguirre ang ipapalit niya sa kulungan sa sobrang pagkadismaya.

“Even if you don’t take the president literally, you take him all the time seriously. It was a very clear expression of concern that he will not allow suspected drug lords to go scot-free,” paliwanag ni Roque.

Ang sinisi naman ni Aguirre ay ang PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group dahil sa pagsasampa ng kasong may mahinang ebidensiya at hindi isinama ang confession ni Espinosa sa Senado.

Show comments