^

Bansa

Libreng tuition, miscellaneous sa SUCs epektibo na sa Hunyo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Libreng tuition, miscellaneous  sa SUCs epektibo na sa Hunyo
Ito’y matapos ilabas na ng Commission on Higher Education (CHEd) ang implementing rules and regulations (IRR) sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Simula sa Hunyo ay libre na ang matrikula at miscellaneous fees sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad.

Ito’y matapos ilabas na ng Commission on Higher Education (CHEd) ang implementing rules and regulations (IRR) sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017.

Sa ilalim ng naturang batas ay wala na dapat babayarang anumang tuition at miscellaneous fees ang mga estudyante sa State Universities and Colleges (SUC), maging ang mga CHEd-recognized Local Universities and Colleges (LUC).

Bukod sa mga SUC at LUC, libre rin ang tuition sa Technical Vocational Education and Training (TVET) sa mga pampublikong training institutions.

Ang pondo sa natu­rang libreng edukasyon sa kolehiyo ay magmumula sa P40 bilyong inilaan ng gobyerno.

Upang maging kwa­lipikado, kinakailangan lamang umanong nakapasa ang estudyante sa admission test ng mga SUC at LUC.

Dapat ring wala pa siyang anumang college degree, at hindi “overstaying” student o lagpas na sa itinakdang panahon ng pag-aaral.

Nakasaad rin sa IRR, na palalakasin ang admission ng mga tinaguriang “disadvantaged students” tulad ng Person With Disabilities (PWDs), Lumad at iba pang indigenous groups.

Maglalaan din naman ang pamahalaan ng subsidiya para sa mga mahihirap na estudyante.

Sa ilalim ng tertiary education subsidy, P40,000 kada taon ang tulong sa estudyanteng papasok sa pampublikong eskuwelahan at P60,000 naman kung papasok siya sa pribadong unibersidad.

Kasama rito ang daily allowance ng estudyante, competency assessment, at maging ang kanilang starter tool kit, basta’t kukumpletuhin nila ito at makapapasa.  

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

LIBRENG TUITION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with