MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Miyerkules ang pagkalas ng Pilipinas sa kasunduan ng Rome Statute na siyang nagtatag sa International Criminal Court (ICC) noong 1998.
Sinabi ito ni Duterte matapos ang “mapangahas” na pag-atake sa kanya at sa kanyang administrasyon ng ICC, gayun din ang umano’y ilegal na plano ng ICC na ilagay siya sa ilalim ng kanilang hurisdiksiyon.
Pinagtibay ng Pilipinas ang kasunduan noong 2011.
“Given the baseless, unprecedented and outrageous attacks on my person as well as against my administration, engineered by officials of the United Nations as well as an attempt by the International Criminal Court special prosecutor to place my person within the jurisdiction of the International Criminal Court,” pahayag ni Duterte.
“I therefore declare and forthwith give notice, as the President of the Republic of the Philippines, that the Philippines is withdrawing its ratification of the Rome Statute effective immediately,” dagdag niya.
Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Duterte na kailanman ay hindi magkakaroon ang ICC ng hurisdiksiyon sa kanya.
“You cannot acquire jurisdiction over me not in a million years kaya ‘di ko sinasagot. Totoo ‘yan. Ayoko sabihin that has always been my weapon ever since. Sh*t. Maniwala ka diyan,” wika ng pangulo.
Inihayag ni ICC special prosecutor Fatou Bensouda nitong Pebrero na magsasagawa sila ng preliminary examination sa umano’y extrajudicial killings sa bansa kaugnay ng giyera kontra droga ng pamahalaan.
Dahil dito, nagsimula nang bumanat si Duterte sa ilang opisyal ng United Nations at sinabing hindi siya nasasaklaw ng kapangyarihan ng ICC.
Nilinaw naman ng Palasyo na ang naturang preliminary examination ay hindi naman nangangahulugan ng isang imbestigasyon.
Binigyang-diin din ni Duterte na malinawag na ginagamit ang ICC being isang “political tool” laban sa Pilipinas.
"The very considerations upon which the Philippines agreed to be a signatory to the Rome Statute have not been observed, not complied with, hence the rescission of such agreement or the withdrawal of our country's ratification of the Rome Statute is in order," sambit pa ng pangulo.