Aguirre pinaiimbestigahan ang mga nagbasura ng kaso vs Peter Lim, Kerwin
MANILA, Philippines — Inutusan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ngayong Miyerkules ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang mga prosecutor na nagbasura ng kaso laban sa mga umano’y drug lords ng bansa.
"…determine the possible misfeasance, malfeasance or non-feasance or other violations of law of Assistant State Prosecutors Michael John Humarang and Aristotle Reyes,” nakasaad sa kautusan ni Aguirre.
Inabswelto ng prosecutors sina Peter Lim, Kerwin Espinosa, inmate Peter Co, Lovely Impal at iba pa dahil sa mahinang ebidensya ng Philippine National Police.
Isa nang regional trial court judge sa Lucena si Reyes matapos ma-promote nitong Enero.
Siya rin ang nagbasura ng drug charges laban kay dating Bureau of Customs chief Nicanor Faeldon kaugnay ng P6.4 bilyon shabu shipment mula China.
Dahil sa pagkakabasura ng kaso, binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Aguirre na ipapalit kina Espinosa at Lim kapag tuluyang nakalaya ang mga drug lord.
- Latest