^

Bansa

Subpoena power ‘di gagamitin vs warrantless arrest - PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Subpoena power âdi gagamitin   vs warrantless arrest - PNP

Sinabi ni dela Rosa na walang dapat ikatakot ang publiko dahil hindi gagamitin ng PNP ang “subpoena power” nito sa mga kalaban sa pulitika ng administrasyong Duterte. Hindi rin umano ito pamalit sa search warrant at wala ring magaganap na warrantless arrest.   Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa na hindi gagamitin ng PNP ang “subpoena power” na ipinagkaloob sa tatlong PNP officials para sa paglabag sa karapatang pantao at warrantless arrest.

 Sinabi ni dela Rosa na walang dapat ikatakot ang publiko dahil hindi gagamitin ng PNP ang “subpoena power” nito sa mga kalaban sa pulitika ng administrasyong Duterte. Hindi rin umano ito pamalit sa search warrant at wala ring magaganap na warrantless arrest.

“Baka sabihin ninyo gamitin ko ‘yan against the political enemies of Duterte administration. Hindi ko yan gagamitin hanggang functioning ang CIDG (Criminal Investigation and Detection Group). I swear to the moon and to the stars, swear ‘yan promise yan. I will never abuse this power,” pangako ni dela Rosa.

Sa kabila nito, nagbabala si dela Rosa na mahaharap sa pagkakakulong ang sinumang magmamatigas sa subpoena power mula sa nilagdaang batas ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa sa PNP chief, target ng subpoena power ay ang mga high profile at mga highly sensational cases na nasa korte. Aniya, magagamit rin ang subpoena power laban sa mga high value target (HVT) sa anti-drug campaign ng Duterte administration.

Samantala, tiwala ang Malacañang na hindi maaabuso ang kapangyarihang ibinigay ng pangulo sa PNP na mag-issue ng subpoena.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malinaw ang intensyon ng batas sa subpoena power na ipinagkaloob sa PNP para palakasin ang investigation power ng pulisya.  (Rudy Andal) 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with