^

Bansa

Barangay execs na dawit sa droga huwag iboto! - PDEA, DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Barangay execs na dawit sa droga huwag iboto! - PDEA, DILG

“Ibasura ang mga barangay candidate na sangkot sa iligal na aktibidad sa droga. Hindi sila nararapat sa boto ng mamamayan,” diin ni PDEA Director Gen. Aaron  Aquino. Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang publiko na huwag nang iboto ang mga barangay officials na hinihinalang sangkot sa illegal na droga, at planong tumakbo sa nalalapit na barangay elections na nakatakdang idaos sa Mayo 14, 2018.

“Ibasura ang mga barangay candidate na sangkot sa iligal na aktibidad sa droga. Hindi sila nararapat sa boto ng mamamayan,” diin ni PDEA Director Gen. Aaron  Aquino.

Sa panig naman ni DILG spokesman at assistant secretary Jonathan Malaya, hinikayat nito ang mga botante na samantalahin ang botohan upang patalsikin sa posisyon ang mga lokal na opisyal na sangkot sa operasyon ng illegal na droga sa kanilang lugar.

Nagbabala rin naman si Aquino hinggil sa posibilidad na kumalat ang drug money sa halalan dahil na rin sa implu­wensiya ng sindikato ng illegal na droga.

Sinabi pa ni Aquino na tiyak naman ang susuportahan lamang ng mga sindikato ng illegal na droga ay yaong mga kandidato na magbibigay sa kanila ng proteksiyon.

Babala pa ng PDEA chief, kung mananalo pa rin ang mga barangay officials na sangkot sa illegal na droga ay tiyak na magpapatuloy din ang pamamayagpag ng illegal na droga.

Una nang sinabi ni Aquino na sa ngayon ay may 289 barangay officials, na kinabibilangan ng 143 barangay chairmen at 146 barangay kagawads, ang nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Inaasahan naman aniyang madaragdagan pa ang naturang bilang sa sandaling maisama na rito ang validated list ng barangay officials na sangkot sa drug trade, na kasama sa PDEA National Drug Information System (NDIS).

Nabatid na inatasan na ng DILG ang PNP na magsagawa ng case build-up sa mga barangay officials na natuklasang sangkot sa illegal na droga para sa kaukulang pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

PDEA DIRECTOR GEN. AARON AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->