De Lima pinayagang makalabas

Leila De Lima

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng tanggapan ni Senador Leila de Lima na pinayagan ito ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) na makalabas mula sa Philippine National Police Custodial Center upang makapagpa-check up ng isang araw.

Ayon sa media officer ni de Lima na si Ferdie Maglalang, sasailalim ang senadora sa routine checkup.

“One day only for her routine checkup,” sabi ni Maglalang.

Ang Muntinlupa RTC Branches 205 at 206 ang nagbigay umano ng medical furlough para kay de Lima.

Gagawin ang check/up kay de Lima sa susunod na linggo.

Nauna rito, nagpaalam ang kampo ni de Lima sa korte na makalabas ng kulungan matapos matuklasan sa isinagawang ultrasound sa Philippine National Police (PNP) General Hospital na mayroon itong bukol sa atay.

Show comments