Mahigit 50% ng mga Pinoy pabor sa divorce law

Sa 1,200 na tinanong sa survey, 53 percent ng mga katao ang naniniwalang ang mga mag-asawa na naghiwalay na at hindi na maaaring magka-ayos pa ay dapat payagang makapag-divorce. File photo

MANILA, Philippines — Isa sa bawat dalawang Pilipino ang pabor sa pagsasabatas ng divorce sa bansa, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations.

Sa 1,200 na tinanong sa survey, 53 percent ng mga katao ang naniniwalang ang mga mag-asawa na naghiwalay na at hindi na maaaring magka-ayos pa ay dapat payagang makapag-divorce upang makapagpakasal muli.

Samantala, 32 percent naman ang hindi pabor sa panukala habang 15 percent ang hindi pa makapag-desisyon.

Lumabas din sa pag-aaral na 61 percent ng tinanong sa Metro Manila ang sumuporta sa legalisasyon ng divorce habang 26 percent ang hindi pabor sa panukala.

Sa Balance Luzon, 55 percent ang sumang-ayon at 31 percent naman ang humindi, habang 49 percent sa Visayas ang nagpahayag ng pagsuporta sa panukala at 34 percent ang ayaw sa divorce law.

Suportado din ang panukala ng karamihan sa mga babae at lalaki na may live-in partners, mga nabiyudo at nakipaghiwalay na lalaki.

Ayon pa sa SWS, malakas ang pagsuporta ng mga Katoliko sa divorce law habang "neutral" naman ang karamihan sa nga miyembro ng Iglesia ni Cristo.

Sa kabilang banda, "neutral" din ang pagsuporta sa divorce law sa lahat ng antas ng pamumuhay sa lipunan.

Ginawa ang pag-aaral mula Marso 25 hanggang 28 nitong nakaraang taon at Disyembre 9 hanggang 16 ng parehong taon.

Show comments