^

Bansa

Joma Sison: Si Duterte ang no.1 na terorista

Jacob Molina - Pilipino Star Ngayon
Joma Sison: Si Duterte ang no.1 na terorista

Sinabi ni Joma Sison na nalaman niyang kabilang siya sa nasabing listahan ngunit iginiit niyang walang basehan upang sila’y paratangan ng terorismo.

File photo

MANILA, Philippines — Muling bumwelta nitong Biyernes si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing ang pangulo ang “number one” na terorista sa bansa.

Nagkomento si Sison matapos mapaulat na kabilang siya sa listahan ng mga terorista ng pamahalaan.

Sa isang post sa political arm ng CPP na ang National Democratic Front, sinabi ni Sison na nalaman niyang kabilang siya sa nasabing listahan ngunit iginiit niyang walang basehan upang sila’y paratangan ng terorismo.

“Duterte and his minions are stupid and pretend to be ignorant that I have won legal cases for the removal of my name from the EU list of terrorists and for the dismissal of murder charges fabricated against me by the Arroyo regime and fed by this regime to the Dutch government,” banat ng founding chairman na dati ding propesor ng pangulo.

“Duterte is truly the number one terrorist in the Philippines,” dagdag niya.

Sa isang petisyon na inihain sa Manila Regional Trial Court Branch 19 noong Pebrero 21, hiniling ng Department of Justice sa korte na ideklara ang 600 tao bilang mga terorista.

Bukod pa kay Sison, kabilang din umano sa naturang listahan sina United Nations special rapporteur on the rights of indigenous peoples Victoria Tauli-Corpuz, chief negotiator Luis Jalandoni, dating Bayan Muna congressman Satur Ocampo at apat na pari.

Layunin din ng mosyon na pangalanan ang CPP at ang armed wing nitong New People’s Army bilang mga teroristang grupo.

Pasaring pa ni Sison na kabilang ang mga “huwad” na paratang ni Duterte laban sa plano ng pangulo na patahimikin ang kanyang mga kritiko at ang mga nasa oposisyon upang kanya aniyang maisakatuparan ang balak na diktaturya sa pamamagitan ng Batas Militar at ang pagmamadali sa pagsusulong ng federalism sa bansa.

“Even the US intelligence agencies now regard Duterte as a threat to democracy and human rights, despite his duplicitous and despicable efforts to keep the overall US hegemony in the Philippines and serve additional foreign masters. As far as the Filipino nation is concerned, the Duterte regime is a murderous and greedy scourge that must be eradicated,” batikos ni Sison.

“Duterte is engaged in a wild anti-communist witch hunt under the guise of anti-terrorism. An immediate look at his list of terrorists will show that he is running amok in slandering people as terrorists. There are also hundreds of John Does in the list just to intimidate a limitless number of people,” pagpapatuloy niya.

Sa huli, binigyang-diin din ni Sison na si Duterte ang dapat managot sa aniya’y 20,000 napatay dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa loob ng sinasabing dalawang taong “kalupitan” ng pangulo.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE’S ARMY

JOMA SISON

NATIONAL DEMOCRATIC FONT

PRESIDENT RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with