Tax evasion case vs Rappler
MANILA, Philippines – Naghain ng kasong tax evasion ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa Rappler Holdings Corp. ang may-ari ng online news site Rappler.
Inireklamo ng BIR ang mga opisyal ng Rappler Holdings sa pangunguna ng kanilang presidenteng si Maria Ressa at treasurer na si James Bitanga.
Tinatayang nasa P133.84 milyon ang hindi binayarang buwis ng Rappler, kung saan umabot sa P42.52 milyon dito ang VAT.
“…willful attempt to evade or defeat tax and for deliberate failure to supply correct and accurate information in its annual income tax return and value-added tax returns for taxable year 2015,” nakasaad sa reklamo ng BIR sa Department of Justice.
Nitong Enero lamang ay pinakakansela ng Securities and Exchange Commission ang certificate of incorporation ng Rappler dahil sa paglabag sa foreign ownership.
Inapela naman ito ng Rappler sa Court of Appeals.
- Latest