70 pulis sa MM under surveillance
MANILA, Philippines — Isinasailalim ngayon sa masusing surveillance operations ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang may 70 pulis kaugnay sa ulat na sangkot ang mga ito sa illegal na aktibidades o nasa watchlist ng mga hinihinalang scalawags.
Ayon kay NCRPO Chief P/Director Oscar Albayalde, karamihan sa mga inirereklamong mga pulis ay may ranggong PO1 o mga bagito at walang mga opisyal.
Kabilang dito , ayon pa kay Albayalde ay isang nakapasok na PO1 na may pending criminal case at kilala rin na ‘tulak’ at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
“ Meron tayong listahan. Meron tayong watchlist. Kaya natin pinaiigting ang ating counter intelligence para ma-weed out natin yung mga dahilan kung bakit nadadawit sila sa katiwalian”, anang opisyal.
Aminado naman si Albayalde na hindi porke nasa watchlist ay guilty na sa reklamo .
“Kaugnay nito, ayon pa sa NCRPO chief Albayalde na maghihigpit sila sa recruitment at maglulunsad ng anti-corrupt drive para matiyak na matitinong pulis ang makakapasok sa NCRPO.
“ On the issue of recruitment, we will launch anti corrupt drive sa NCRPO para maisolate na agad sa corruption yung recruits natin. Plus yung training natin. Yung recruit natin is ipapa-background investigation”, anang opisyal.
- Latest