Bam sa CHED: I-refund ang miscellaneous fees, ipatupad ang libreng kolehiyo
MANILA, Philippines – Muling kinalampag ni Sen. Bam Aquino ang Commission on Higher Education (CHED) dahil sa patuloy na pagbalewala sa panawagan ng Senado na ipatupad ang Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act sa ikalawang semester ng school year 2017-2018.
Kasabay nito ay nanawagan din si Aquino sa CHED na ibalik ang mga siningil na miscellaneous fees sa mga estudyante ng state universities and colleges (SUCs).
“We demand that CHED immediately implement free education in our public universities and colleges and reimburse students for miscellaneous fees charged during the 2nd semester of the current academic year,” pahayag ng senador na principal sponsor at co-author ng RA 10931.
“Obligasyon ng CHED na sagutin at tugunan ang resolusyon ng Senado at ipatupad ang batas na magbibigay lunas sa problema ng milyon-milyong mga estudyanteng Pilipino at kanilang mga pamilya,” dagdag niya.
Sinabi ng senador na Agosto 2017 pa epektibo ang batas at may nakalaang P41 bilyon ang gobyerno upang ipatupad ito.
Nitong Pebrero lamang ay nanawagan ang buong mataas na kapulungan sa CHED sa pagpapatupad ng batas ngunit hindi ito pinansin ng komisyon.
“Looks like the Senate’s call has fallen on deaf ears, because until now, we have yet to hear from CHED regarding our push for the law’s implementation in the second semester of 2017,” patuloy ni Aquino.
Muling ipinaalala ni Aquino ang pagtitiyak na ibingay sa kanila ngCHED noong tinatalakay pa lamang ang budget para sa naturang batas.
- Latest