^

Bansa

Plunder vs Mar, Abaya at Abad utos ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Plunder vs Mar, Abaya at Abad utos ni Digong

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, isa ito sa mga napag-usa­pan sa Cabinet meeting sa Palasyo kamakalawa ng gabi. File

MANILA, Philippines — Iniutos na ni Pangulong Duterte ang pagsasampa ng kasong plunder laban sa ilang opisyal ng Aquino administration kaugnay sa naging problema sa MRT 3.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, isa ito sa mga napag-usa­pan sa Cabinet meeting sa Palasyo kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Roque, ang mga sasampahan ng kasong plunder ay sina da­ting DOTC Sec. Mar Roxas at Joseph Emilio Abaya gayundin si dating Budget Sec. Butch Abad.

Inihayag ni Roque hanggang ngayon ay nananatiling kwestiyon kung bakit ipinagkaloob ng nakaraang gobyerno ang maintenance contract sa isang kumpanyang walang track record.

Inatasan ng Pangulo si Solicitor General Jose Calida na isagawa ang hakbanging legal kontra sa mga dating opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa patuloy pa ring nararanasang aberya ng MRT.

Kabilang sa short tem solution ang pagbili ng lahat na mga kinakaila­ngang spare parts ng MRT habang ang medium term solution naman ay ang pagbabalik sa orihinal na maintenance contractor na Sumitomo.

Ang pangmatagalang solusyon naman ng gob­yerno sa MRT mess ay ang pagpapalit ng ownership nito dahil nakikitang isa ito sa nagdagdag ng problemang kinakaharap ng MRT 3.

PLUNDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with