10-year validity ng passport sinisi sa backlog
MANILA, Philippines — Isinisisi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Allan Peter Cayetano sa 10-year validity ng pasaporte kaya nagkaroon ng backlog sa proseso ng passport.
Sa pagdinig ng House Committees on good government and public accountability at foreign affairs, sinabi ni Cayetano na marami ang naengganyo sa pagkuha at pagre-renew ng passports dahil sa pinalawig pa na validity nito.
Sinabi pa ng kalihim na wala siyang nakikitang ibang paraan kundi ang i-improve ang appointment system.
Kung aalisin umano ang appointment system ay tiyak na dudumugin ng publiko ang mga consular offices ng DFA para sa pagkuha ng pasaporte.
Idinagdag pa ni Cayetano, na kung walang appointment system ay posibleng umabot ng 80-100 thousand ang pasaporteng ipoproseso subalit ang kaya lamang na i-proseso sa kada araw ay 14-18 thousand lamang.
- Latest